Pag-Nagmahal Ka


                      

      Bago pa man magsimula ang lahat, pag-ibig na ang naging dahilan kung bakit tayo nabubuhay. Sa unang pagbukas ng mata mo, pag-ibig ang makikitang nakaukit sa mga labi ng magulang mo. Mula sa pagkabata mo, minahal ka nila ng buong-buo, hanggang sa dumating ang puntong ito. Itong punto ng buhay mo, na hindi lang pagmamahal nila ang kailangan mo. 
       Gumawa ka ng mundo na kung saan kailangan mong magmahal at mahalin, pero yung taong minahal mo, hindi IKAW ang gusto.
     
      Nasaktan ka ng hindi alam ng magulang mo, umiyak ka ng dahil sa kagagahan mo. Sa paglipas ng panahon nakahanap ka ng bagong pag-ibig mo, pag-ibig na palagay mo'y tama na para sayo.

      Oo siguro nga tama na dahil napapasaya ka niya, naibibigay niya ang pagmamahal na hinahangad mo.
      Pero habang nahuhulog ka sa ibang tao nakakalimutan mong mahalin ang mga magulang mo, mga magulang na unang nag-mahal at nag-pasaya sayo.

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento