"Matapos ang Lahat"

Huling pagkakataon para sa iyo,
Pagkakataon na sinayang mo.
Sa araw na ito nangangako sayo,
Na hindi na muli akong mahuhulog sayo.
Tulungan mo ako,
Pawiin ang sakit, luha at pighati.
Tulungan mo akong kalimutan ang tayo,
Ang tayo na naging ikaw at ako.
Tapos na ang lahat ng ito
Pero kahit na tapos na?
Mahal parin kita.
Pagmamahal na ipinagkait ko sa iba,
Sayo ko lang ipinadama,
ngunit ang sakit sakit pala,
ang sakit na hindi tayo ang nakatadhana.
Pero matapos man ang lahat mananatiling narito ako, narito't maghihintay sayo. Matapos man ang lahat ng ito magpapakatanga parin ako.
Mahal kita kahit tapos na,
Ang Tayo.





Kailan kaya muling makakatawang diko pinipilit, walang lungkot na sumisilip 😢
TumugonBurahin