Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2017
Imahe
"Matapos ang Lahat" Huling pagkakataon para sa iyo, Pagkakataon na sinayang mo. Sa araw na ito nangangako sayo, Na hindi na muli akong mahuhulog sayo. Tulungan mo ako, Pawiin ang sakit, luha at pighati. Tulungan mo akong kalimutan ang tayo, Ang tayo na naging ikaw at ako. Masakit isipin na tapos na, Tapos na ang lahat ng ito Pero kahit na tapos na? Mahal parin kita. Pagmamahal na ipinagkait ko sa iba, Sayo ko lang ipinadama,  ngunit ang sakit sakit pala,  ang sakit na hindi tayo ang nakatadhana. Pero matapos man ang lahat mananatiling narito ako, narito't maghihintay sayo. Matapos man ang lahat ng ito magpapakatanga parin ako. Mahal kita kahit tapos na, Ang Tayo.
Imahe
Pag-Nagmahal Ka                              Bago pa man magsimula ang lahat, pag-ibig na ang naging dahilan kung bakit tayo nabubuhay. Sa unang pagbukas ng mata mo, pag-ibig ang makikitang nakaukit sa mga labi ng magulang mo. Mula sa pagkabata mo, minahal ka nila ng buong-buo, hanggang sa dumating ang puntong ito. Itong punto ng buhay mo, na hindi lang pagmamahal nila ang kailangan mo.          Gumawa ka ng mundo na kung saan kailangan mong magmahal at mahalin, pero yung taong minahal mo, hindi IKAW ang gusto.             Nasaktan ka ng hindi alam ng magulang mo, umiyak ka ng dahil sa kagagahan mo. Sa paglipas ng panahon nakahanap ka ng bagong pag-ibig mo, pag-ibig na palagay mo'y tama na para sayo.       Oo siguro nga tama na dahil napapasaya ka niya, naibibigay niya ang pagmamahal na hinahangad mo.       ...